Sam, 39, hindi pa ready pakasal; hiwalay na kay Catriona?

MAHIGIT isang buwan nang hiwalay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby, ayon sa source ni Ogie Diaz.

“Ano ba talaga ang real score, Sam Milby at Catriona Gray? Sa akin, may nagsabi na ‘oy wala na sila Ogie’,” pagsisiwalat ng ng talent manager-vlogger sa kanyang online talkshow na “Showbiz Update.”

Dagdag ni Ogie, bago pa mag-birthday si Catriona noong January 6 ay break na sila ng aktor. “Sabi niya (source), ‘nung birthday ni Catriona Gray, wala na sila. Pero sila’y magkaibigan na lamang daw,” chika ni Ogie.

“Sabi ko, saka lang ako maniniwala kung sila mismong dalawa e nag-announce na wala na sila. At hindi na tuloy ang kanilang kasal. Sabi sa akin ng aking source, e o edi sige. Hintayin na lang natin. Sana nga mali ako,” dagdag niya.

“Parang ang rason daw ay na-realize daw ni Sam na hindi pa raw pala siya handa sa pagpapakasal,” sambit pa ni Ogie.

Nagsimula ang mga espekulasyon ukol sa hiwalayan nina Catriona at Sam nang mapansin ang beauty queen na hindi na nito suot ang engagement ring nila ni Sam noong January.. Inanunsyo ng couple ang kanilang engagement noong February 2023.

Ayon sa dalawa, na nagsimula ang relasyon noong 2020, plano nilang magpakasal ngayong taon.