Rider pagod na sa kapapadyak, gusto ng motorsiklo

INULAN ng pledges ang food delivery rider na nanawagan ng tulong sa publiko para makabili siya ng motorsiklo.


Nag-viral ang larawan ng Food Panda rider nang i-post ito sa “Diwata Pares Overload” Facebook page.


Sa delivery box, mababasa ang pakiusap na “Hingi lang po konting tulong pambili Honda Beat pagod na ako magbike.”


Marami ang naawa at nagpahayag ng suporta sa hindi pinangalanang rider.


“Hindi dapat mapagod , mas lalong magsumikap para makuha ang gus2 sa buhay, tiwala lang paps.”
“Sabayan mo ng dasal ang sipag at di magtatagal makikita mo rin ang bunga ng pinagpaguran mo, laban lang.”
“Jusko kawawa talaga pag bike yung gamit sa delivery ramdam ko yan yung asawa ko tuwing uuwi grabe yung pagod basang basa yung suot na uniform lalot taginit pa parang gusto kung umiyak naawa ako.”
“Hope my magandang puso tumulong sau, God bless po and hintayin nyo po. Mkkmit mo po gusto mo, pray lng po kuya.”