Richest beggar: P53M kinita sa pamamalimos

‘WAG gayahin o gagayahin?

Alam mo ba na may naging milyonaryo na sa pamamalimos?

Kilalanin na si Bharat Jain, pinakamayamang pulubi sa mundo.

Ayon kay Jain, umabot sa mahigit $1 milyon o P54.3 milyon ang kanyang net worth dahil lang sa pamamalimos sa mga kalsada ng Mumbai, India.

Naisip ni Jain na mamalimos dahil sa kawalan ng trabaho, sabi sa ulat ng The India Times.

Umabot ang buwanan niyang kita sa 12-oras na pamamalimos sa P39,000 hanggang P49,000.

Dahil sa mga kinita, nakabili si Jain ng apartment unit na nagkakahalaga ng P7 milyon at dalawang pwesto ng tindahan na kanyang pinarerentahan ng P20,000 kada buwan.

Nag-aaral sa private school ang dalawa niyang anak habang mina-manage ng kanyang misis ang kanilang tindahan.