200K jeepney driver lalahok sa 3-day tigil-pasada

SINABI ni transport group chairman Mar Valbuena na inaasahang 200,000 tsuper ng public utility jeepneys (PUJs) ang lalahok sa tatlong araw na transport strike na sisimulan sa mismong araw ng State of the Nation (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 24, 2023.

Idinagdag ni Valbuena walang natupad sa naunang ipinangako ng Department of Transportation (DoTr).

“Puro usap lang wala naman pong aksiyon kaya po namin ito isasagawa ulit,” sabi ni Valbuena.

Matatandang nagsagawa ng isang linggong tigil pasada ang grupo ni Valbuena noong Marso bagamat hindi natapos matapos na sila ay kausapin ng mga opisyal.