Ivana mas masarap kesa sa seafood

KUNG si Zeinab Harake ang tatanungin, mas na-attract siya kay Ivana Alawi kesa sa mga inihain nito na na lobster, hipon at halaan.


Kamakailan ay ipinost ni Ivana sa Instagram ang photos ng kanyang beach getaway na pinabongga ng mga seafood na inihanda niya sa pananghalian.


“Kain tayo,” caption niya.


Inulan ito ng komento mula sa mga kaibigan ni Ivana sa showbiz gaya nina Dra. Vicki Belo, photographer BJ Pascual, at Nicole Cordovez.


Pero tumatak sa publiko ang komento ng kaibigan niya na si Zeinab Harake.


“Nakakaakit yung food pero mas nakakaakit ka,” sey ni Zeinab.
“Love you,” reply ni Ivana.