Presyo ng produktong petrolyo muling bababa

MULING magpapatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo simula Martes, Agosto 9, 2022.

Base sa ulat, aabot mula sa P2 hanggang P2.40 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel, samantalang aabot din mula P2 hanggang P2.40 kada litro ang presyo ng gasolina.

Samantala, aabot naman sa P2.50 hanggang P2.75 kada litro ang rolbak ng presyo ng kerosene.

Matatandaang nagpatupad ng magkahalong dagdag at bawas presyo ang mga kompanya ng langis noong isang linggo.