Presyo ng Noche Buena items tataas — DTI

PINAYAGAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng presyo ng mga Noche Buena items.

Inaasahan na ilalabas ng DTI ang price guide ng mga produktong pang Noche Buena simula bukas, Nobyembre 23.

Kabilang sa mga pinayagan ng DTI na magtaas ng presyo ay ang quezo de bola, spaghetti pasta at sauce, mayonnaise, cream at hamon.

Ayon sa DTI, aabot sa 94 Stock Keeping Units (SKUs) ang nagtaas ng presyo ng 10 porsiyento, habang 51 naman ay nagtaas ng 6 hanggang 10 porsyento at 50 produkto ang nagtaas ng hanggang 5 porsyento.

May ilang ham products ang nagbaba ng P30 habang ang iba naman ay nagtaas ng mahigit sa P42. Ang Suggested retail prices (SRP) para sa ham ay mula P168 hanggang P892.50 mula sa naitala noong isang taon na P158 hanggang PHP862.50.

Narito naman ang inaasahang magiging pagtaas sa iba pang presyo ng Noche Buena products:

Fruit cocktail P0.50-P33.05
Keso P3.00-P21.00
Quezo de Bola. P10.00-P56.65
Mayonnaise. P0.60-P23.45
Cream. P3.00-P16.00
Spaghetti pasta. P4.50-P27.00
Spaghetti sauce P1.55-P14.93