Ping hanga sa pagiging loyal ni Liza

BUMILIB si dating Sen. Ping Lacson sa pagiging loyal ni First Lady Liza Araneta-Marcos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ani Lacson sa kanyang post sa X: “If all wives are as fiercely loyal to their husbands as FLLAM is to PBBM, all married men can focus on their jobs or just relax with folded arms, crossed legs up without having to stress themselves with haters and their sympathizers.”

Matatandaan na inamin ni Liza ang sama ng loob niya kay Vice President Sara Duterte sa ginawa umanong pagtawa nito nang sabihang bangag si Pangulong Marcos sa rally na pinangunahan ng mga Duterte noong January.

Inamin din ng Unang Ginang na sinadya niyang isnabin si VP Sara sa ilang okasyon para iparating ang inis niya rito.

Gayunman, kahit “bad shot” na raw ang bise presidente sa kanya ay puwede pa rin daw maplantsa ang relasyon nila.