Hacker tinawag na peke IG account ni Cassy

NAWINDANG si Cassy Legaspi nang baligtarin siya ng hacker na kumokontrol sa kanyang official Facebook page at sinabing ang Instagram account ng TV personality ang peke.


Kahapon, April 19, ipinost ni Cassy sa Instagram story ang “statement” ng hacker na nakapost sa nakaw na Facebook account.


Sey ng hacker: “It has come to our attention that the hacked Instagram account (@cassy) falsely claimed that our Facebook page is hacked. We want to clarify that this is untrue. Our Facebook page is secure and has not been compromised in any way.


Please do not be misled by these false claims. We are actively working to regain control of our Instagram account and resolve this situation.”


Minarkahan naman ni Cassy na “Fake X” ang statement ng hacker.


At para patunayan na hindi peke ang Instagram account na @cassy ay nag-live ang aktres para magpaliwanag.