PCG nabawi X account sa hackers

NAGLAHONG parang bula ang mga post sa X (dating Twitter) account ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraan itong ma-hack Huwebes ng umaga.

Agad namang nabawi ng PCG ang access sa account makaraang makipagtulungan ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) sa X Support Team.

“As of 11:30 AM, we are glad to announce that we have retrieved access to our official X account with assistance from the X Support Team,” ayon sa PCG.

“We have also strengthened our security measures to protect our account against security breaches,” dagdag nito.

Inaalam pa ng otoridad kung sino ang nasa likod ng pangha-hack bagaman matatandaan na sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ilang cyber-terrorist na nago-operate mula umano sa China ang nagtatangkang pumasok sa website ng ilang ahensya ng gobyerno.

Itinanggi naman ito ng China at sinabing handa silang tumulong upang matunton at maparusahan ang mga hackers.