Pakikiramay ng publiko sa pamilya ni Cherie Gil pinasalamatan

NAGPASALAMAT ang mga anak ng namayapang aktres na si Cherie Gil sa publiko na nakiramay sa kanilang pamilya at nag-alay ng panalangin sa kanilang ina.

Sa kani-kanilang Instagram posts, sinabi nina Jay Eigenmann, at Bianca at Raphael Rogoff na na-diagnose ang ina ng rare endometrial cancer noong October 2021. Anila, itinago nila ang kondisyon ng ina sa pakiusap nito.

“While we are deeply saddened by our loss and still mourning her passing, we are incredibly moved by the outpouring of love and support for her and our family; evidence of just how many lives Cherie touched,” ayon sa official statement ng pamilya.