Operasyon tagumpay, David makakatulog na nang payapa

TAGUMPAY ang naging operasyon sa Kapuso actor na si David Licauco para matanggal ang kanyang sleep apnea.

Lubos naman ang pasasalamat ni David sa lahat ng nagdasal para sa kanya.

Sa X/Twitter, ibinalita ng senior handler ng Sparkle GMA Artist Center na si Isabel Bulatao noong Lunes na sumailalim sa surgery ni David.

“David Licauco is undergoing his RFA Sleep Apnea procedure today. Your prayers for his safety and the success of the operation are greatly appreciated,” ani Bulatao.

Makalipas ang ilang oras ay sumagot si David sa post at sinabing tapos na ang operasyon.

“Tapos na! Salamat sa lahat ng nag dasal po i appreciate you all!” mensahe ng aktor.

Ang sleep apnea ay isang sleeping disorder kung saan paulit-ulit siyang tumitigil sa paghinga habang natutulog.

May ganitong kondisyon ang isang tao kung malakas siyang humilik at nakararamdam ng pagod sa kabila ng buong gabing pagtulog.

Matatandaang sinabi ni David na 16 pa lang siya ay mayroon na siyang sleep apnea.

“Sana gumaling, di ba? Kasi hirap na hirap na ako e,” aniya makaraang ibalita na sasailalim siya sa operasyon nang malaman na ilang minuto lang ang procedure at walang downtime.