Delivery riders love ni Marco

HANGA ang aktor na si Marco Gumabao sa mga delivery rider na hindi nagpapatinag sa init ng panahon at patuloy na nagtatrabaho.

Sa Instagram, shinare ni Marco ang kanyang photo na may kausap sa kanyang cellphone.

“POV: Kunyari kinikilig ka habang may kausap sa phone…yun pala tumawag si kuya rider at naiwan na daw sa lobby ang parcel mo,” sey ni Marco sa caption.

“Salute sa mga rider na napaka sipag lalo na sa init ngayon! Mahal namin kayo ❤️,” dagdag niya.

Umayon naman ang netizens sa sentimento ng aktor.

“This is so touching. Agree thar every hard laborer beating the heat of the sun…deserve to be appreciated and hopefully compensated appropriately for their hard labor.”

“Sila talaga ang bayani.”