Kalabaw nagwala; bata patay

NASAWI ang isang bata nang magwala ang inaalagaan niyang kalabaw sa Pilar, Capiz kamakailan.

Nagtamo ng mga sugat sa katawang ang 11-anyos na biktima, residente ng Brgy. San Blas, makaraang pag-aapakan ng nagsimaron na kalabaw.

Ayon sa ulat, sakay ang bata at ang nakakatandang kapatid ng kalabaw nang biglang nagwala ang hayop alas-2 ng hapon nitong Sabado, Mayo 4.

Nahulog ang biktima sa lupa kaya naapakan ng kalabaw.

Hindi umano nakaiwas ang paslit dahil nakabigkis sa kanyang beywang ang tali ng kalabaw.

Base sa autopsy, namatay ang bata dahil nabali ang beywang nito at napinsala ang internal organs.