Negros Oriental governor Degamo patay sa pamamaril, ilang iba pa sugatan

NILUSOB ng mga armadong kalalakihan ang compound ng bahay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo Sabado ng umaga sa barangay Isidro, bayan ng Pamplona.

Isinugod sa osptial ang gubernador ngunit hindi na rin naisalba ito dahil sa ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinumpirma ng kanyang kaibigan at alkalde ng bayan ng Siaton na si Fritz Diaz ang pagpanaw ng opisyal Sabado ng hapon.

Naganap ang pamamaril alas-9:36 ng umaga.

Base sa inisyal na ulat, namamahagi umano ng ayuda ang gubernador nang atakihin ng mga salarin. Ilan din sa mga kanyang tauhan at sibilyan ang nasugatan sa pag-atake.