Person of interest sa hazing case ng Adamson University student natagpuang patay

ISA sa mga “persons of interest” na idinadawit sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig dahil umano sa hazing, ang natagpuang patay.

Ito ang kinumpirma nitong Biyernes ni Laguna Police Director Col. Randy Glen Silvio.

Ayon sa opisyal, nagkitil umano ang nasabing “person of interest” sa pamamagitan ng pagbibigti.

Dagdag pa ng opisyal na natagpuang patay ang nasabing “person of interest” noong Pebrero 28, na siya ring araw na natagpuan ang bangkay ni Salilig.