NAIA Terminal 2 and 3, surot-free na

TINIYAK ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala nang surot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3.

Ginawa ni MIAA head executive assistant Chris Noel Bendijo ang pagtiayak na wala nang mga surot sa mga upuan sa airport ng NAIA matapos mag-trending kamakailan sa social media ang video ng upuan na may sumisilip na mga surot bukod pa sa mga larawan ng mga hita at binti ng isang pasahero na tadtad ng kagat ng surot.

“We have examined, we have inspected our seats, safe po ang ating mga upuan,” ayon kay Bendijo.

Sinabi rin nito na ipinag-utos na rin ng pamunuan ang pagtanggal sa mga rattan chair na nasa Terminal 2.

Papalitan ito ng mga gang chair mula sa ibang terminal.