Miss PH Tracy Maureen Perez pasok sa Top 13 ng 2021 Miss World

LUMAKI ang tsansa ni Miss Philippines Tracy Maureen Perez na masungkit ang korona ng Miss World matapos siyang makapasok sa Top 13 sa isinasagawang pageant ngayon sa Puerto Rico.

Bukod kay Perez, pasok din sa Top 13 ng ika-70tang mga kandidata mula sa Vietnam, Mexico, Northern Ireland, Poland, Somalia, U.S.A, Colombia, Czech Republic, France, India, Indonesia, Cote d’Ivoire.

Dapat ay 12 lamang ang pipiliin, dahil may nag-tie umano sa mga kandidata kaya isinama ang ika-13.

Si Perez ay is sa 40 kandidatang natira sa pageant. May 97 delegado ang pageant, ngunit dahil sa health and safety consideration bunsod ng COVID-19, tanging 40 lamang ang pinayagang makapag-participate sa coronation night.