10 patay sa mass shooting sa California

TINATAYANG nasa 10 katao ang nasawi habang ilan pa ang sugatan matapos ang nangyaring mass shooting habang ipinagdiriwang ang Lunar New Year festival sa Monterey Park, California.

Ayon sa ulat nangyari ang pag-atake alas-10:20 ng gabi ng Sabado.

Libo-libo ang lumahok sa isinagawang Lunar New Year festival o Chinese New Year malapit sa Monterey Park, 13 kilometro lamang ang layo sa Los Angeles.

Bukod sa mga nasawi, 10 iba pa ang nasugatan sa pamamaril.

Base sa imbestigasyon, bigla na lamang nagpaputok ang salarin habang isinasagawa ang pagdiriwang.

Tumakas naman ang suspek at ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad habang inaalam ang motibo sa panibagong insidente ng mass shooting sa Amerika.