Padalang pagkain ni Sara dinedma nga ba ng magulang?

KUNG paniniwalaan si Cristy Fermin, madalas magpadala ng pagkain ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa mga parents ng singer na sina Mommy Divine at Daddy Delfin pero tinatanggihan ito ng huli.

Ayon sa source ng beteranang host at columnist, may utos umano ang mga magulang ni Sarah sa mga security guard kung saan sila nakatira na huwag tanggapin ang mga padala na galing sa anak.

“Maraming beses na palang nagpapadala ng pagkain si Sarah at si Matteo doon sa subdivision kung saan nakatira ang magulang ni Sarah,” ani Cristy.

“Pero totoo pala ‘yun. Sa gate pa lang barado na kaagad. Hindi na makatutuloy, nakatimbre na na hindi pupuwedeng papasukin ang mga tao ni Sarah at ni Matteo. At hindi rin puwedeng iwan ang pagkain o anumang gustong ipaiwan para sa pamilya. Nakakalungkot naman ‘yun,” pahayag ni Cristy.

“Ako kasi kapag nagpapakumbaba na ang tao, bukas ang puso ko sa pagtanggap. May mga tao pala talaga… ang tagal na e. Hindi ba nila naiisip na kapag hindi pinatatawad ang kapwa natin, tayo naman ang nagdadala nun?” dagdag niya.