Lea minura fans na nag-live sa Broadway performance niya

MINURA at tinawag na tanga ng singer na si Lea Salonga ang mga fans na umano’y nag-live sa social media nang mag-perform siya sa Broadway musical na Here Lies Love.

Sa Twitter, ipinaalam ng isa pang fan kay Lea na nakita nito ang isang grupo ng mga Pinoy na nila-live ang pagkanta ni Lea.

“Just to inform you, during your turn in hll (Here Lies Love) nag live po sila which is so wrong. They deleted it lang. anywaysss, stay safe and take care, Ms. Lea,” ayon sa fan.

Nagpanting ang tenga ng singer at napamura nang hindi oras.

“Ayyyyyy put***nang katangahan,” tweet ni Lea.

Hindi naman malinaw kung ang mga sangkot ay ang tatlong Pinoy na pinuntahan si Lea sa dressing room nito at nakiusap na magpakuha ng litrato kahit wala sila sa listahan.

http://Para sa kaugnay na ulat: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=669626298542273&id=100064847267945&mibextid=Nif5oz