Lasing nahulog sa septic tank, dedbol

HINIHINALANG dahil sa sobrang kalasingan ay nahulog ang construction worker sa septic tank ng itinatayong gusali sa Mandaue City, Cebu nitong Lunes.


Palutang-lutang at wala nang buhay ang biktimang si Vicente Bandolol, 51, ng Asturias, nang matagpuan ng mga katrabaho alas-5 ng umaga.


Ayon sa pagsisiyasat ng mga pulisya, huling nakitang buhay si Bandolol habang mag-isang umiinom sa ikalawang palapag ng gusali ala-1 ng madaling araw.


Sinabi ng mga katrabaho na nakaupo sa pasimano ng bintana si Bandolol habang umiinom.


Nasa ibaba ng bintana ang nakatiwangwang na butas, sabi ng pulisya.


Gayunman, patuloy ang imbestigasyon para madetermina na walang foul play sa insidente.