Ivana proud sa milyon-milyong nagastos sa lalaki

ISINIWALAT ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko na gumastos na siya ng milyon-milyong piso sa isa kanyang mga naging boyfriend. At proud siya rito


Ginawa ng “FPJ’s Ang Probinsyano” actress ang pag-amin sa vlog kung saan naglaro siya kasama ang ina at tatlong kapatid ng “Never Have I Ever” game.


Sa tanong na, “gumastos ka ba ng malaki para sa isang lalaki?” ay tanging si Ivana lang ang umayon.
Natawa lang ang kapatid niyang si Amira habang dedma ang bunso nilang si Mona.


Ipinagdiinan ng kanyang mommy na hinding-hindi ito mandadatung sa lalaki.


“O ako, nakailang milyon ako! Proud ako,” pagmamalaki namang chika ni Ivana.


Hindi naman pinangalanan ng aktres ang lalaking ginastusan niya.


Sa kasalukuyan ay masaya si Ivana sa kanyang non-showbiz boyfriend.