Imelda Marcos naospital dahil umano sa pneumonia


NAOSPITAL
ang nanay ni Pangulong Bongbong Marcos na si dating First Lady Imelda Marcos dahil sa diumano’y pneumonia.

Ayon kay Senador Imee Marcos, ilang araw na umanong may lagnat at ubo ang kanyang ina.

“Given her age, we have to take max precautions,” ayon pa sa senador.

Nasa 94-anyos na ang dating First Lady at byuda ng yumaong Pangulong Ferdinad Marcos Sr.

Hindi naman tinukoy ng senador kung saan dinalang ospital si Imelda.