Rhian pauwi na matapos ma-stranded sa Dubai airport nang 2 araw

MASAYANG ibinalita ni Rhian Ramos nitong Sabado ng madaling araw na makakauwi na siya ng Pilipinas makaraang matulog nang dalawang araw sa Dubai airport dahil sa mga kanseladong flights bunsod ng pag-uulan.


Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Rhian ang mga larawan ng ganap sa Dubai airport at ang tinulugan niya na sahig.


“Going home after 2 days of sleeping on airport floors. Thank you, Lord!,” aniya sa caption.


Sa hiwalay na post, nagpasalamat din siya dahil natiis niya ang pangyayari
“Grabe, super miracle ‘yung nangyari, so happy to be coming home, so excited to shower too,” sambit niya.


Bago ito, nanghingi ng tulong si Rhian sa publiko para ma-rebook ang kanyang flight pabalik ng bansa.
“Is there anyone from Emirates in Dubai that can help us? We need to rebook, please,” wika niya sa X/Twitter.


Nilubog ng baha ang malaking bahagi ng United Arab Emirates (UAE) dahil walang-tigil na pag-uulan.
Isa sa naapektuhan ng baha ang Dubai airport, ang ikalawa sa busiest airports sa mundo.