‘Gets ko na kung bakit jinowa ni Zeinab si Ray’

MAY na-realize ang social media personality na si Xian Gaza nang makausap niya si Ray Parks Jr., ang partner ng kaibigan niyang si Zeinab Harake.

Ani Xian sa Facebook, masaya siya para kay Zeinab dahil natagpuan nito si Ray.

“Last week, nagkape kami ni Ray Parks sa Japan. Napakalalim na tao. Husband material. Punong-puno ng kabutihan. Gets ko na ngayon kung bakit siya jinowa (ni Zeinab),” ani Xian.

Nang magkita naman sila ni Zeinab, nakita ni Xian kung gaano kakuntento sa buhay ang aktres at social media personality.

“Kanina naman, nag-bonding kami ni Zeinab dito sa Thailand. Kitang-kita ko yung kinang sa kanya mga mata na hindi ko nakita noon. Damang-dama ko yung kaligayahang mayro’n siya ngayon sa kanyang buhay,” sabi niya.

“Masayang-masaya ako para sa kanilang dalawa,” dagdag ni Xian.

Nagpasalamat naman si Zeinab kay Xian sa mga binanggit ng huli.

“Salamat sa bonding bessy ko here kami bilang kapatid mo di lang tropa, up and down maasahan mo kami katulad kung paano ka kabuting kaibigan saakin labyuuuu,” ayon kay Zeinab.