Gasolina, diesel may bawas presyo sa Martes

INAASAHAN ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes.

Aabot sa P1.50 hanggang P1.80 ang magiging kaltas sa presyo sa kada litro ng gasolina.

Ayon sa ulat, maglalaro naman mula P0.80 hanggang P1.0 kada litro ang ibaba sa presyo ng diesel. Mas maliit naman ang posibleng ibawas sa presyo ng kerosene na maglalaro sa P0.20 hanggang P0.40 kada litro.