FBI-wanted na si Quiboloy nagbanta: Sisimulan people power pag nadaya si Marcos Jr.

NAGWARNING ang self-proclaimed Son of God na si Pastor Apollo Quiboloy na pangungunahan niya ang “totoong” people power kapag natalo sa eleksyon si presidential hopeful Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pandaraya.

Nagbabala rin si Quiboloy, wanted sa Federal Bureau of Investigation dahil sa patong-patong na sex trafficking charges, laban sa mga “mapanlinlang” na partido na huwag nitong dadayain si Marcos, na aniya ay sigurado na ang panalo sa Mayo.

“Sigurado na ito ha, Bongbong Marcos. Huwag lang n’yo dayain kasi magkaka-people power tayo. Totoong people power. Ako, number one, lalabas ako sa daan pag nandaya kayo,” aniya.

Ipinagdiriwang ngayong araw ni Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ ang kanyang ika-72 kaarawan.