FB page ng PCG na-hack muli

INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na muling inatake ng mga hacker ang kanilang official Facebook page nitong Biyernes Santo.

Hanggang ngayong araw ng Linggo ay makikita pa rin sa FB page ng PCG ang mga clips ng 18 foreign movies.

Ito na ang ikalawang beses ngayong taon napasok ng hacker ang page. Sa kalatas, inamin ng PCG na isang “unknown entity” ang nagkaroon ng access sa kanilang Facebook page alas-12 ng tanghali noong March 29.

Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa panibagong security breach.

Binulabog naman ng komento mula sa netizens ang mga post.

“Hala nagseshare na ng movies ang PCG?”

“Isang aplikante na naman ang di nakapasa sa exam kaya nang hack nalang ng page hahay brader!”

“At nag movie marathon na nga ang Philippine Coast Guard.”

“Government page, na-hack. Hahaha. Ang weak ng IT security.” “Good initiative for PCG, para sa pa libreng movie marathon.”