Kisame sa PLM bumagsak, klase suspendido

SUSPENDIDO ang klase sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) bukas, Abril 1, makaraang bumigay ang kisame ng gusali nitong Semana Santa na nagresulta sa pagkasugat ng isa katao.

“To properly assess the safety of our facilities, PLM will suspend classes on Monday, April 1, 2024. In view of the suspension, midterms week is extended until April 8, 2024,” ayon sa advisory ng PLM administration sa opisyal na Facebook account nito.

Sa ulat, bumagsak ang kisame sa main entrance ng Emilio Ejercito Building alas-2:27 ng hapon noong Biyernes, Marso 29.

Nagtamo ng gasgas sa katawan ang bisita ng guard na nagbabantay sa pinto. Inaalam pa ang sanhi ng pagbigay ng kisame na agad namang kinumpuni.