Jeep vs puno: 2 dedbol, 22 sugatan

DALAWA ang nasawi at 22 iba pang bakasyunista ang nasugatan nang sumalpok sa puno ang kanilang sasakyan sa Lobo, Batangas nitong Sabado.

Ayon sa ulat, binabagtas ng jeepney na minamaneho ni Alberto Urriza, 54, ang pababa at pakurbang kalsada sa Brgy. Malabrigo na mawalan ng kontrol sa manibela ang driver alas-4:45 ng hapon.

Inararo muna ng sasakyan ang barikada bago bumangga sa puno.

Nadala naman agad sa pagamutan ang lahat ng sakay pero binawian ng buhay si Arriza at ang pasaherong si Virgin Migo, 52, ng Santo Tomas City, Batangas, bago pa magamot.

Napag-alaman na papunta sa beach resort sa Malabrigo ang mga biktima nang maganap ang aksidente.