Fans ipinagtanggol si Michelle sa pag-unfollow kay Atty. Oliver

HOT topic ang biglaan umanong pag-unfollow ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kay Atty. Oliver Moeller, ang viral “EXpecially For You” searchee, sa Instagram.


Nitong Miyerkules ay napansin ng netizens na wala na ang pangalan ni Oliver sa following list ni Michelle sa Instagram. Burado na rin ang mga photos nila na magkasama.


Sa following list ni Oliver ay makikita pa rin ang pangalan ni Michelle.


Si Oliver ang searchee na napili ni Michelle nang sumalang ang huli sa segment ng “It’s Showtime na “EXpecially For You” noong April 6.


Ayon sa mga fans ni Michelle, desisyon ng beauty queen kung sino ang gusto niyang i-follow o hindi sa social media.


“Dasurv naman. Di ko gets hype sa lalaking yan. Halatang gusto lang maging sikat at the expense of the women in showbiz.”


“Matalino talaga si MMD, she knows kung ano ang intention ng tao.”


“Work lang naman yan kay MMD. Nautusan ng management kumbaga. I heard si Kim Chiu kasi dapat daw nung day na yun pero nag back out si atey.”


“We all know na it was for a show lang. Ang usap usapan is biglaan dahil nag back out yung originally na dapat nasa upuan nya. Kung follower ka ni MMD dapat alam mo sino talaga love nya hahaha.”


“Hindi naman seryoso pag celebrity version. Yung mga ordinaryong tao possible naghahanap talaga pero pag celebrity ang sasalang dyan madalas may pinorpomote at for fun lang.”


“Nagkalaro lang naman sila segment. Bat need na bigyan ng malisha?! Gusto nyo agad agad magligawan yan or maging bff at feeling close?”