Estudyante dinukot, mukha binalutan ng tape

MATINDING trauma ang inabot ng babaeng estudyante na inabandona sa bakanteng lote na naka-packaging tape ang mukha, kamay at paa sa Zamboanga City kamakailan, iniulat ng pulisya nitong Miyerkules.


Ayon sa pulisya, tanghali ng Lunes nang dinukot umano ang biktima, 19, ng mga lalaking sakay ng van sa Brgy. San Roque.


Nang gabi ring iyon ay natagpuan ang dalaga sa Brgy. Patalon na nakasuot pa ng uniporme sa paaralan.
Agad dinala sa ospital ang biktima para masuri.


Ayon sa biktima, naglalakad siya papuntang eskwelahan nang puwersahan siyang isinakay ng ilang lalaki sa van.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.