Ex ni Moira: Bahala na si God sa kanya, siya na yung mag-aano sa kanya

HAPING-hapi na ibinahagi sa publiko ng singer-songwriter na si Jason Marvin Hernandez, ex-husband ng singer ng si Moira Dela Torre, ang kanya umanong tahimik na pamumuhay sa El Nido, Palawan.

Ani Jason, una ay bakasyon at negosyo lang ang ipinunta niya sa El Nido pero nagustuhan niya ang laid back lifestyle roon.

“Pumunta ako doon, dapat vacation lang. Now, I’m staying for the last seven months. Ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan,” aniya sa isang panayam.

Nitong Miyerkules ay iniulat ng PUBLIKO na wapakels si Jason sa mga pasaring ng ex-wife na si Moira sa kanya sa mga concerts nito at sa mga banat ng bashers.

“Okay lang ‘yun. Ganun kasi ako, e. Never n’yo maririnig na gaganti ako. Naniniwala kasi na si God na bahala sa kanya. Siya na yung mag-aano. I really don’t need to defend,” sambit ni Jason.

“Hindi ako affected (sa bashers) kasi hindi ko sila kilala, e. Never ako sumagot. Hindi ko sila masisisi kasi they know one side of the story,” dagdag niya. “Gets ko naman ‘yung narrative na mukha akong masama. Okay lang ‘yun.”