‘Eat Bulaga’ trademark hawak pa rin ng TAPE

IBINANDERA ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.) na ito pa rin ang nagmamay-ari ng pangalan at logo ng “Eat Bulaga.”

Nitong Sabado ay ibinahagi ng TAPE Inc. ang dokumento na nagsasabing nire-renew ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang trademark registration ng nasabing pangalan ng noontime show.

Sa 2023 ang expiration ng bagong certificate para sa classifications 16, 18, 21 at 25 (para sa goods and merchandise items).

Nakabinbin naman sa IPOPHL ang trademark application ni Joey de Leon, isa sa mga orihinal na hosts ng programa, para sa IPO class 41 (entertainment services).

Dinidinig din sa kasalukuyan ang Marikina Regional Trial Court (RTC) ang copyright infringement at unfair competition complaint na inihain nina de Leon at magkapatid na Tito at Vic Sotto, at creative head na si Jenny Ferre laban sa TAPE Inc. at GMA.