Digong wala pa ring presidential bet, mananatiling neutral

IGINIIT ni Pangulong Duterte na wala siyang iniendorso sa pagkapangulo at mananatili siyang neutral.

“I’m not supporting any presidential candidate. Neutral ako. This is not a campaign because I’m not campaigning for any particular candidate,” pahayag ni Duterte nang makipagpulong ito sa national at regional anti-communist task forces sa Cebu City nitong Huwebes.

“Stop f*cking with me because this is not politics,” dagdag pa nito sa pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) at Regional Task Force Central Visayas sa Jpark Island Resort and Waterpark here.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa kabila nang ginawang pag-endorso ng administration party PDP-Laban Cusi wing kay dating Senador Bongbong Marcos at running mate nito na anak ng pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte.