Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Niyaning ng 5.3 magnitude na lindol ang Jose Abad Santos sa Davao Occidental Miyerkules ng umaga.

Alas 4:26 ng madaling araw nang maganap ang pagyanig na tectonic ang origin at may lalim na 94 kilometro, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang Intensity 2 sa General Santos City at bayan ng Kiamba sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, hindi makapagdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig bagamat inaasahan ang aftershocks sa mga susunod na oras. – DP