Darren umamin na naging GF si Kyline

NAWINDANG ang netizens sa pag-amin ni singer-host Darren Espanto na naging girlfriend niya ang young actress na si Kyline Alcantara.


“It’s parang puppy love kind of thing before, when we were younger… in the past,” ani Darren sa Fast Talk With Boy Abunda ntong Lunes.


Ayon kay Darren, alam ni Vice Ganda ang naging relasyon nila ni Kyline kaya biniro sila nito nang lumabas ang Kapuso actress sa “It’s Showtime” noong Abril 10.


“Mako-complete ko na po ‘yung sentence, kasi nga naging kami dati kaya binibiro kami ni Ate Vice,” pahayag niya.


Sinabi ng singer-host na umabot sila ng isang taon ni Kyline. We’re very very comfortable,” sey niya.
Hindi naman third party ang dahilan ng paghihiwalay nila.


“There are some misunderstandings. And then when we both matured, parang six years later, parang napag-usapan namin. Eventually, we became okay with each other again. Naging friends na uli,” sambit ni Darren.