Comeback movie ni Vice ididirek ni Jun Lana

MAGBABALIK-PELIKULA ngayong taon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ididirek ito ng award-winning helmer na si Jun Lana.


Ibinalita ni Vice sa “It’s Showtime” ang upcoming project niya na “And The Breadwinner Is…” under Star Cinema.


“Magkakaroon ako ng pelikula na kasama si Direk Jun Lana. Ididirek ako ni Jun Lana at sila ang magsusulat ng pelikula ko,” aniya. “Napakasuwerte ko. Kaya madlang people, this is it, new movie alert! Your mother will be mothering again sa mga sinehan. Magbabalik pelikula po tayo para magbigay ng unkabogability sa buong society,” dagdag ni Vice.


Makakasama ni Vice sa movie ang co-host niyang si Jhong Hilario.


Noong 2022 pa napanood ang huling pelikula ng “It’s Showtime” host, ang “Partners in Crime” kasama si Ivana Alawi, na entry sa Metro Manila Film Festival.