SB19 hindi kinaya pang-iistalk ng fans

HINDI na natutuwa ang Pinoy pop band na SB19 sa ginagawang pag-stalk sa kanila ng ilang fans.
Sa statement, nakiusap ang grupo sa mga fans na bigyan sila nito ng kaunting privacy.


“We deeply value the connection between our artists and their fans. We appreciate the love and support you show towards their work, performances, and personal lives. However, we kindly ask for your understanding and respect when it comes to our artists’ privacy,” pahayag ng 1Z Entertainment, ang talent agency ng SB19.


“We encourage you, our dedicated fans, to express your admiration in positive and respectful ways. This includes refraining from behavior such as stalking, unauthorized photography or recording, or attempting to access private information about our artists,” dagdag nito.


Umapela rin ang IZ Entertainment sa mga fans na irespeto ang privacy ng kanilang mga tauhan at ang mga kapamilya ng grupo.


Ilang fans ang naiulat na nag-camp sa labas ng opisina ng IZ Entertainment at iba pang lugar kung saan matatagpuan ang mga miyembro ng SB19.


Nakunan din ng video ang ilan sa mga ito na kinakalkal ang itinapon na basura ng boy band.