Boracay bumida sa Time Magazine

BUMIDA na naman ang Boracay matapos mapabilang ito sa World’s Greatest Places of 2022 na inilabas ng Time Magazine.

Tanging Boracay lamang ang lugar sa Pilipinas ang nakasama sa listahan ng 50 destinasyon na tinagurian ng kanilang mga correspondents at contributors sa buong mundo na nag-o-offer ng bago at exciting na experience.

Kabilang din sa listahan ay ang Jamaica, Great Barrier Reef ng Australia, Bali sa Indonesia, Thessaloniki sa Greece, Hwange National Park sa Zimbabwe, at maging ang Arctic at International Space Station.

Noong 2021, tanging ang Siargao island sa Surigao de Norte lang ang nakasama sa listahan ng Time Magazine.