7 na-trap sa Cebu hotel elevator

NAKULONG nang mahigit dalawang oras ang pito katao sa elevator ng hotel sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, dalawang oras na sa loob ng tumirik na elevator ang mga hotel guests nang ipagbigay-alam sa kanila ang pangyayari.

Alas-7 ng gabi nang huminto ang elevator ng hotel sa Brgy. Pajo. 

Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng pagtirik nito.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection FO3 Alvin Villabin na ginamitan nila ng hydraulics upang pwersahang mabuksan ang pinto ng elevator.

“We used force because the maintenance of the elevator apparently couldn’t open it as well,” ani Villabin.

Pasado alas-9 nang makalabas ang mga guests. Wala namang tinamong sugat ang mga ito.