253 pumasa sa mining engineer licensure exams

INIHAYAG ng Professional Regulation Commission (PRC) na 253 sa 389 ang pumasa sa Mining Engineer Licensure Examination na ibinigay ng Board of Mining Engineering sa Maynila, Baguio, Cebu, Davao at Legazpi noong Agosto at Setyembre 2022.

Nanguna naman si John Martin Rivera ng University of the Philippines (UP) Diliman na nakakuha ng 89.40 porsiyentp.

Walong iba pang nagtapos sa UP Diliman ang pumasok sa Top 10 at pang anim naman si Neal Audrey Alvarez ng Adamson University na nakakuha ng 87.95.

Nanguna rin ang UP Diliman sa mga paaralan matapos makakuha ng 100 porsiyentong passing rate.