Yam Concepcion, mister walang honeymoon

NI-REVEAL ng aktres na si Yam Concepcion na hindi muna sila magha-honeymoon ng kanyang asawang si Miguel CuUnjieng.


Chika ni Yam, nakaka-guilty na magsaya ngayon dahil sa pandemya.


“Mahirap ngayon mag-honeymoon. Sa mga nangyayari ngayon sa mundo parang nagi-guilty naman ako magsaya masyado,” aniya.


Kaya naman sa apartment muna nila sa New York ang honeymoon nila ni Miguel.


“Darating din tayo sa honeymoon pero ngayon nagha-honeymoon na kami dito sa apartment. Ibang honeymoon,” sey pa niya.


Ikinasal si Yam sa kanyang non-showbiz fiancé sa New York noong Hulyo 25. –A. Mae Rodriguez