Robredo ‘lalaya na’ bukas


BALIK-OPISINA na bukas si Vice President Leni Robredo matapos ang 14-day quarantine.


Sumasailalim sa quarantine si Robredo nang magpositibo sa Covid-19 ang isang close contact.


“Last day ko ngayon (sa quarantine). Makakalaya na ako bukas,” ani Robredo sa kanyang weekly radio show.


Samantala, payo ni Robredo sa magkakapamilya at magkakatrabaho na huwag sabay-sabay kumain upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


“Kasi kung kumakain nang sabay-sabay, doon nagkaka-hawahan e, kasi tinatanggal mo ang mask,” aniya.


“So sa amin, halimbawa may birthday, merong nagdadala ng pagkain, ilalatag lang ang pagkain na parang may buffet table… kanya-kanyang kuha. Pero ang kainan, kanya-kanyang opisina. Babalik sa lamesa niya o maghahanap ng isang sulok na walang kasabay kumain,” dagdag pa niya. –A. Mae Rodriguez