Netizens kay Sen. Chiz Escudero: Kilay is life

ISINAPUBLIKO ng aktres at style icon na si Heart Evangelista ang photo ng asawang si Sen. Chiz Escudero habang namamasyal silang dalawa sa Venice, Italy.

Sa kuha ng senador na habang kumakain ng gelato, marami ang nakapansin sa kakaibang itsura ng mister ni Heart.

Hindi ang gelato o ice cream na nilalantakan ni Chiz ang tinutukan ng netizens kundi ang “plakadong” kilay nito.

Sey ng isang Facebook user, tila nagpa-eyebrow shading ang senador kung saan ginagamitan ang kilay ng “pin dot pigment” para magkaroon ito ng “gradient shaded appearance.”

Komento ng netizens sa post ni Heart:

“Kilay is lyp 😂.”

“I’m all for plakadong kilay.”

“Mareng @iamhearte Palong-palo kilay ni Sen. @escuderochiz.”

“U slayed those brows sen.”

“The kilay is bonggaycious mas dinaig pa ako.”