Ex ni Moira tuloy pag-flex sa mystery girl

MULING nag-share sa publiko ang singer-songwriter na si Jason Hernandez ng isang video na kasama ang mystery girl habang nakatanaw sa Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Sa Instagram video ay makikitang nag-uusap si Jason at ang babae. Sa dulo ng clip ay isinandal ng babae ang ulo nito sa balikat ng lalaki.

Ito na ang ikatlong beses na ibinandera ng estranged husband ni Moira dela Torre ang mystery girl. Hindi naman niya ito pinangalanan.

Nauna na ring itinanggi ni Moira na siya ang sinasabing mystery girl.