Pasyon ng Botante (basahin ayon sa alam na tono ng pasyon)

Sa nakalipas na saysay
Buhay Pinoy, panlipunan:
Sobrang galit sa Delawan,
Pabayang pamahalaan,
‘Binoto sa taga-Davao.

Nang umupo na sa Trono
Ang pag-asang si Rodrigo
May pangakong pagbabago
Nanggera laban sa shabu,
Biniktima’y simpleng tao.

Ang korapsyon di napigil
Pagpinuna nanggigigil.
Ang Build Build Build ay Kill Kill Kill
Sa panahon ng quarantine
Pinapatay kahit lawyer.

Sayang ba indelible ink
Pati na rin ang fingerprint
Sa balotang kinukupit?
Voting machine, electronic,
Sinasabing hi-tech magic.