Kit Thompson dakip sa pambubugbog sa GF

SINAGIP ng pulisya ang aktres na si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay City kung saan dinitene at binugbog umano siya ng boyfriend na si Kit Thompson.

Ayon sa Tagaytay City PNP, rumesponde sila sa hotel makaraang makatanggap ng tawag kaugnay sa naganap na bugbugan sa pagitan nina Ana at Kit.

Napag-alaman na humingi ng tulong si Ana sa mga kaibigan makaraan siyang saktan at hindi palabasin ng hotel room ng boyfriend.

Ipinadala rin niya sa mga ito ang mga kanyang mga selfie matapos ang dinanas sa kamay ni aktor.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa katawan.
Dinakip ang aktor at kasalukuyang iniimbestigahan sa presinto.