Brenda Mage pinalalabas na sa PBB House

SINABIHAN ng kaibigan ni PBB housemate Brenda Mage na si Juliana Parizcova Segovia na lumabas na PBB house dahil puro ang pambabash umano ang natatanggap niya mula sa outside world.

Chika ni Juliana, sa outside world na lamang ituloy ni Brenda ang mga pangarap niya.

“Brenda Mage, Sige na lumabas ka na ng bahay ni kuya. Masyado ka nang durog na durog dahil sa mga nakikita nila at bilang isang tunay na kaibigan, mas gusto ko na lumabas ka para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti-unting nasisira habang nasa loob ka ng bahay…Dito mo sa labas ipagpatuloy ang pangarap mo,” sinabi ni Juliana.

“Labas na Brends tulad ng sinasabi ko lagi sayo noon, sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya..yan ang masakit na realidad ng buhay,” chika ng matalik niyang kaibigan.

Nahuhurt din umano si Juliana kapag nakakabasa siya ng negative comments about sa kaibigan.